Pinoy Radio:

Home » , , , , » Not Informed - Litrato Lyrics

Not Informed - Litrato Lyrics

Minsan binabalikan ang ating nakaraan
Kung paano niligawan, nakakatawang pakinggan
Mas marami pang alak ang natanggap mo kesa sa bulaklak
Kasi ‘di naman natin kailangang magpanggap

Minsan binabalikan trip nating kalokohan
Kahit bata mong pamangkin paboritong paiyakin!
Ang hari at reyna sa asaran ‘di patutumba
Kaya pag naiisip ko sayang talaga

Iba talaga yung sa ating dalawa
Walang ‘kukumpara kahit anong pelikula
Halos di na maghiwalay, magkasama hanggang mamatay…
At ang litrato mo ngayo’y hawak ko sa kamay

Minsan ‘king nadadaanan mga dating pinupuntahan
Walang perang pambili, masaya na sa tabi-tabi!
Mahal man o pangkanto lang, wala naman tayong pakialam
Yung ating nararamdaman wala silang alam

Iba talaga yung sa ating dalawa
Walang ‘kukumpara ‘pagkat tayo’y bida-bida
At nung tayo’y maghiwalay, akala ko ako’y mamamatay…
At ang litrato nating dalawa ang naiwan kong tulay

Minsan napag-uusapan pag mga tropa’y nag-iinuman
Sa barkadang pumapalag…
Kulang kapag walang magsyotang in-love!
Nakarami rin pala tayong napaniwalang mga tao
Yung pag-ibig na totoo meron pala sa mundo

Iba talaga yung sa ating dalawa
Walang ‘kukumpara alaalang di mabubura
At ngayong wala ka na, at may iba ng nagpapasaya…
Sa litratong dala-dala ko minsa’y naging masaya

May litrato sa puso ko ng tayong dalawa…

0 comments:

Post a Comment