Wednesday, June 7, 2017

Bituin - Shehyee ft. Keiko Necesario (Official Music Video)



The official music video of Spotify Emerge Artist and Fliptop Champ Shehyee’s 2017 single entitled “Bituin.”

“Bituin” features singer-songwriter Keiko Necesario on the song’s hook choruses and features arrangements by Thyro Alfaro.

"BITUIN"
Written & Composed by Christopher John Ongkiko & Timothy Alfaro
Arranged, Mixed & Mastered by Thyro Alfaro
Published by: Viva Music Publishing, Inc.

Director: Tey Clamor



"Bituin" lyrics:

Gusto ko lang naman ay marinig mo ang aking tinig
Kasabay ng liwanag sa paggising
Palubog na ang araw kailan ba diringgin
Pero ayos lang kung dumilim
‘Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin
Bituin..
Bituin…
Ako'y isang bituin

Kumikinang-kinang 'di dahil isang
Kilalang nilalang, iba ang dahilan
Sa katunayan nga ay lagi nilang nila-"lang"
Pero ayos lang kasi wala na ‘kong pakialam

Kung isa man ako sa mga iniidolo
O isa ako sa mga kinabi-bwisitan ni’yo
Isa man akong munting kislap sa paningin ninyo
Ako naman ang araw ng sarili kong mundo

Naiintindihan ko ang aking kapalaran
Kahit tindihan ko at akin pang lawakan
Ay hindi lahat ng tao ay abot ang kalawakan
Malayo agwat kaya't ‘di siya maliwanagan

Ito ang pinasok kaya dapat tanggapin
Oo tanggap ko, nais lang sana kitang tanungin
Bakit ang tao ‘pag nakakakita ng bituin
Ang pagbagsak nito ang katuparan ng kanyang hiling

Gusto ko lang naman ay marinig mo ang aking tinig
Kasabay ng liwanag sa paggising
Palubog na ang araw kailan ba diringgin
Pero ayos lang kung dumilim
‘Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin
Bituin..
Bituin…
Ako'y isang bituin

Kung kukumpara ay bago lang ako sa rap
Sinuwerte at napabilang sa isang patimpalak
Pero ako ay minalas rin yata, sapagkat
Halos lahat yata ng laban ko ako'y tambak

Ngunit tuloy pa rin sa sabong, isinugal lahat
Kahit na ako ay dehado pati pato, nilapag
Alam ni Kristo kung sino ang pilit nilalaglag
Kaya yung ‘di nila manok ang tinubuan ng pakpak

Nakalipad paahon sa kabila ng panahon
Pero kinaila, halo-halo ang rason
Ganito kasi, eh kasi gano’n
Sa kanya na nga nanggaling, kasalanan ko ba ‘yon

‘Pag pabor sa inyo trip na trip ni’yong banggitin
Pero ‘pag hindi, bakit ‘di ni’yo kayang tanggapin
Bakit ang tao ‘pag nakakakita ng bituin
Ang pagbagsak nito ang katuparan ng kanyang hiling

Gusto ko lang naman ay marinig mo ang aking tinig
Kasabay ng liwanag sa paggising
Palubog na ang araw kailan ba diringgin
Pero ayos lang kung dumilim
‘Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin
Bituin..
Bituin…
Ako'y isang bituin

Madilim na paligid ay nakakahawa
Sa sarili'y mawawalan ka ng tiwala
Pero ako'y hindi nababahala
(Ako'y isang bituin)

Madilim na paligid ay nakakahawa
Sa sarili'y mawawalan ka ng tiwala
Pero ako'y hindi nababahala
(Ako'y isang bituin)

Ako ay andito gabi-gabi kasi
Hindi makukuha sa isang gabi
Ang aking mga pangarap na minimithi
Hindi madali kaya hindi minamadali

Kaya pila lang ng pila, tira lang ng tira
Iba nagpapatira pa para magkatira
Gusto mong magbago
Ang sagot niya hindi na
Kung ang akala mo huli na ang lahat, hindi pa

Hindi ka dapat makuntento sa katuwirang baluktot
Porke ba kumportable, ayos lang na malungkot
Ayaw mo masipa kaya ayaw sumuntok
Hindi porke’t napasubo kailangan na ilunok

Alam mo sa sarili kailangan mo gawin
Kung gusto mo tanggapin ang sarili ay tanggapin
Dahil ang tao ‘pag ‘di nakakakita ng bituin
Ang pagdating nito ang katuparan ng kanyang hiling

Gusto ko lang naman ay marinig mo ang aking tinig
Kasabay ng liwanag sa paggising
Palubog na ang araw kailan ba diringgin
Pero ayos lang kung dumilim
‘Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin
Bituin..
Bituin…
Ako'y isang bituin

Latest OPM Songs | OPM Songs

Subscribe to get more videos :