enter your OPM Songs: Gloc-9 | Your latest OPM Song guide.

Pinoy Radio Here:

OPM Archive

Industriya - Gloc-9 ft. KZ Tandingan (Offical Lyric Video)



Composed by Aristotle Pollisco
Produced and Arranged by Marvin Querido
Drums & Percussion by Rickson Ruiz
Guitars by Ardie De Guzman
Mixed and Mastered by Angelo Rozul
Vocal Tracks Recorded at OnQ Music Services
Additional Vocals by Michael Mata
Published by Star Songs
Lyric Video by Vincent Lim

Copyright 2017 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.



Latest OPM Songs | OPM Songs

Payag - Gloc-9 (Official Lyric Video)



Composed and Produced by Aristotle Pollisco

Arranged by GLOCNINE:
Archie Salvador (Guitars)
Billie Gary Reyes (Guitars)
Fernan Cruz (Bass)
Mark Jasper Grutas (Drums)

Mixed and Mastered by Angelo Rozul
Vocal Tracks Recorded at Studio Z Audio Productions and Recording Studios by Martin Andrew Guevara & Paulo Zarate
Additional Instrumentation by Paulo Zarate
Lyric Video by Vincent Lim

Copyright 2017 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.



Latest OPM Songs | OPM Songs

Ang Probinsyano - Gloc-9 ft. Ebe Dancel (Official Lyric Video)



Composed and Produced by Aristotle Pollisco
Arranged by GLOCNINE: Archie Salvador (Guitars) Billie Gary Reyes (Guitars) Fernan Cruz (Bass) Mark Jasper Grutas (Drums)
Mixed and Mastered by Angelo Rozul
Vocal Tracks Recorded at Billie Gary Reyes Studio
Published by Star Songs
Lyric Video by Vincent Lim

Copyright 2017 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.



Latest OPM Songs | OPM Songs

Sukli - Gloc-9 ft. Maya (Official Lyric Video)



Composed and Produced by Aristotle Pollisco
Arranged by GLOCNINE: Archie Salvador (Guitars) Billie Gary Reyes (Guitars) Fernan Cruz (Bass) Mark Jasper Grutas (Drums)
Mixed and Mastered by Angelo Rozul
Vocal Tracks Recorded at Studio Z Audio Productions and Recording Studios by Martin Andrew Guevara & Paulo Zarate
Additional Instrumentation by Paulo Zarate of Studio Z

Published by Star Songs
Lyric Video by Vincent Lim

Copyright 2017 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.



Latest OPM Songs | OPM Songs

Sagwan - Gloc-9 ft. Monty Macalino of Mayonnaise (Official Music Video)



Official Location Sponsor: 2Go Travels

Video Production Team:
Director: Mihk Vergara
Producer: Adi Lopez
Director of Photography: Pong Ignacio
Camera Operator: Kara Moreno
Production Intern: Bam Azagra

Music Production:
Composed by Aristotle Pollisco
Produced and Arranged by Marvin Querido
Drums & Percussion - Rickson Ruiz
Guitars by Ardie De Guzman
Mixed and Mastered by Angelo Rozul
Vocal Tracks Recorded at Studio Z Audio Productions and Recording Studios by Martin Andrew Guevara & Paulo Zarate
Published by Star Songs

Copyright 2016 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.



"Sagwan" lyrics:

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung ito’y babalik sayo

Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

Si Domingo Evagelista ako’y nanggaling pa probinsya
Lumuwas don sa maynila baka sakali lang kumita
Ng pang gastos sa bawat araw nangangarap na balang araw
Mag sagwan sa malaking bangka ang tawag ay barko
Taga hugas ng pinggan pagkatapos ligpitin ang pinagkainan
Uniporme ko puti na palagi madume huwag nyo na tignan inyo pakinggan
Ang kwento ng bawat tao sa dagat pa lutang lutang sa tubig alat
Makapag trabaho ang tanging balak
Para sa pamilya handang sumabak ang mga

Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

Akoy mang-aawit sa barko pag gabi tawag sa akin ay Rey
Pero pangalan ko ay Reni sunud-sunod ang mga tip
Kaya laging may pangbili kahit ano kakantahin
Basta malakas ang tili kapag bumirit kinikilig lahat ng kababaihan
Oo ang sagot kahit hindi ko pa nililigawan
Halo-halong pabango na ang kumapit sa unan
Hindi na mabilang kaya ngayon may karamdaman

Ako naman si Tonio ang kanang kamay ng kapitan
Asensado na tila ba walang mapaglagyan ng salapi
Pag-uwe mahirap mag ngiti parang mali
Ang tubo ng mga iniwang kong binhi na lulong sa bisyo at
Tumigil na sa pag-aaral palaging naka ngiti ang kilos ay tila mabagal
Ang mahal ko asawa tangay ang lahat ng takal
Karangyaan pa pala ang syang dahilan ng sagabal sa buhay

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung ito’y babalik sayo
Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Napunasan ko na po ang kahuli-hulihang plato
Nalinisan ko na din at mabango na mga banyo
Habang nagpapahinga at mag-isa sa aking kwarto
Paulit-ulit ko sinasabi ang aking pangako
Sa aking pamilya at mga anak asawang na iwan sa Pilipinas
Nakakaiyak man di binitawan larawan nyo khit pa nasusuka na ako sa alon
Ang inyong kinabukasan ang syang tanging ko baon at ng lumaon ay makauwe sabay na umahon
Sa kahirapan na bahagi na lamang ng kahapon
Pero sanay maintindihan upang muling masindihan natin ang kalan at ng malagyan ang hapagkainan
Lalayo muli dadaong sa ibang bayan kahit madalas ay dagat lang ang nasisilayan
Sampu ng mga kababayan ko tinitibayan pag-asa tangan-tangan na sing tibay ng kawayan

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung itoy babalik sayo
Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalin-salin
Parang ihip ng hangin
Kailangan unawain nyo ako

Latest OPM Songs | OPM Songs

Sagwan - Gloc-9 ft. Monty of Mayonnaise (Official Lyric Video)



Composed by Aristotle Pollisco
Produced and Arranged by Marvin Querido
Drums & Percussion - Rickson Ruiz
Guitars by Ardie De Guzman
Mixed and Mastered by Angelo Rozul
Vocal Tracks Recorded at Studio Z Audio Productions and Recording Studios by Martin Andrew Guevara & Paulo Zarate
Published by Star Songs
Lyric Video Edit by Vincent Lim

Copyright 2016 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.



Latest OPM Songs | OPM Songs

Tawid - Gloc-9 ft. Jazz Nicolas (Music Video)



Gloc-9 feat. Jazz Nicolas - Tawid (Patintero: Ang Alamat ni Meng Patalo Theme Song) Music Video

Gloc-9 and Jazz Nicolas of The Itchyworms performs "Tawid," the theme song from Patintero: Ang Alamat ni Meng Patalo!

Patintero: Ang Alamat ni Meng Patalo opens in cinemas, Oct. 5, 2016!



"Tawid" lyrics:

Lagi mong tatandaan
Kahit na sino ka man
Kahit na saan pa man
Ang iyong pinagmulan
Dapat panindigan mo
Ang tinutungtungan mo
Tandaan mo ayaw man o gusto
Itatawid ko ang laban mo / pangarap mo

Sakin ay walang bilib di sila naniniwala
Yan lang ang bukambibig nakataob man o tihaya
Sa lugar naming na tila ba kay hirap ang mangarap
Masamang hangin lamang ang lagi mong nasasagap
Sa mukha madumi, basura sa tabi
Kasaganaa’y parang mailap na tutubi
Napakadalang makita mas lalo pa kung hulihin
Tatawid lang sa may guhit na lupa ay hahabulin
Ka ng mga kamay na hihila sayo pababa
Ang may-ari kakilala mo pa yan ang malala
Wag kang magpapaapekto iwasang matulala
Bilisan mong tumakbo titigan ang kabila
Kahit ano pang humarang kaya mong malampasan
Di ka magpapahagip, tatalon, lalakdangan
Ikaw lang ang may alam lagi mong tatandaan
Kahit pa talo ang tawag sayo hindi ka talunan

Latest OPM Songs | OPM Songs

Sumayaw Ka - Gloc-9 (Tower Sessions OSE)



Tower Sessions OSE (Off Season Episodes) feature additional performances and content that were not included in the season run. For this episode, we proudly feature an additional song from Gloc-9.



"Sumayaw Ka" lyrics:

Simula sa pinakataas ng katawan hanggang sa pababa ng pababa sa balakang
(Everybody now)
Na na na na na na na na
(Shake it shake it)
Let's go!
Na na na na na na na na na na na na na...

(Chorus:)
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Kahit na sunod-sunod pang kamalasan ang abutin mo
Wag kang mag-alala limutin ang problema
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Gumiling ka lang o gumalaw sa awitin kong ito
Hayaan mo sige sayaw sumigaw ka
Wag kang matakot sumayaw
Wag na wag kang bibitaw
Sadyang ganyan lang ang buhay
Magkumot kung maginaw
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Kahit na maraming kamalasan ang abutin kunin
Mo yung walkman mo makinig ka na ng musicin
Shake it shake it shake shake shake it shake it
Everybody just shake it shake it
Simula sa pinakataas ng katawan (Everybody now)
Shake it shake it shake shake shake it shake it
Lets go shake it shake it
Hanggang sa pababa ng pababa sa balakang First Burst

Listen up eto nang pinakabaliw 'pag dating sa rap
Meron akong sasabihin teka wag kukurap
Alam kong maraming daing na di mo matanggap
Pero bago ka tumalon makinig ka kay Gloc
Pag gising mo sa umaga harap sa salamin
Alam mo siguro kung bakit napapailing
Babaeng niligawan mo na di ka sinagot
Kasi kahit nakangiti mukha kang simangot
Tinangal ka sa trabaho kasi palaging late
Buong buhay mo wala ka pang babaeng nai-date
Pinutulan ka ng ilaw kahit na isa lang
Ang gamit mo sa bahay di uling pa na kalan
Maluwang na mga medyas na may tapal o dikit
Pero masikip ang mga pantalon pati damit
Di mabayaran utang mo sa tindahan
Pero gano'n pa man ok lang yan

(Chorus:)
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Kahit na sunod-sunod pang kamalasan ang abutin mo
Wag kang mag-alala limutin ang problema
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Gumiling ka lang o gumalaw sa awitin kong ito
Hayaan mo sige sayaw sumigaw ka
Wag kang matakot sumayaw
Wag na wag kang bibitaw
Sadyang ganyan lang ang buhay
Magkumot kung maginaw
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Kahit na maraming kamalasan ang abutin kunin
Mo yung walkman mo makinig ka na ng musicin
Shake it shake it shake shake shake it shake it
Everybody just shake it shake it
Simula sa pinakataas ng katawan (Everybody now)
Shake it shake it shake shake shake it shake it
Lets go shake it shake it
Hanggang sa pababa ng pababa sa balakang Next Burst


Sweldo mo pero naholdap ka
Tinapon mo ticket mo kaso nabunot ka
Marunong kang lumangoy pero nalunod ka
Tumakbo nadapa na pagulong-gulong pa
Naipit ang kamay sa electric fan
Siga pero laging napapagtripan
Pinaliwanag di mo naintindihan
Brownout may kandila di masindihan
Di matext di matawagan ang cellphone mo
Pinapawisan kapag bukas ang aircon mo
Pag tinatanong lagi sagot ay ewan ko
Lagi kang binabatukan ng erpat mo
Di mo na malaman ang iyong gagawin
Bahay na tinitigala'y gigibain
Wala ka nang alam na ibang paraan
Pero gano'n pa man ok lang yan

(Chorus:)
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Kahit na sunod-sunod pang kamalasan ang abutin mo
Wag kang mag-alala limutin ang problema
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Gumiling ka lang o gumalaw sa awitin kong ito
Hayaan mo sige sayaw sumigaw ka
Wag kang matakot sumayaw
Wag na wag kang bibitaw
Sadyang ganyan lang ang buhay
Magkumot kung maginaw
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Kahit na maraming kamalasan ang abutin kunin
Mo yung walkman mo makinig ka na ng musicin
Shake it shake it shake shake shake it shake it
Everybody just shake it shake it
Simula sa pinakataas ng katawan (Everybody now)
Shake it shake it shake shake shake it shake it
Lets go shake it shake it
Hanggang sa pababa ng pababa sa balakang Check This Out


C'mon everybody sa akin ay sumabay
Sama-sama sumayaw taas ang mga kamay
Kung maraming iniisip ulo umiinit
Ganyan lamang talaga wag ka nang mabad trip 3x

C'mon everybody sa akin ay sumabay
Sama-sama sumayaw taas ang mga kamay
Kung maraming iniisip ulo umiinit
Kunin Mo walkman mo makinig ka na ng musicin
Shake!

Latest OPM Songs | OPM Songs

Magda - Gloc-9 & Rico Blanco (Official Music Video)



Gloc-9 & Rico Blanco - Magda - (Official Music Video w/ Lyrics)

Sing along to Gloc-9 & Rico Blanco's HIT, "Magda"!



"Magda" lyrics:

Magdalena anong problema, Bakit hindi ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kadena
na sa iyong ama ikaw ang prinsesa anong ng yari sayo

Ito'y kwento ng isang babaeng, Tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete, Sa lugar na ilaw ay patay sinde
Simulan natin ang storya

Akoy kanyang matalik na kaibigan, ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat nyong malaman, wag ng magbulagbulagan
Bakit ang nais natin ay, malaman ang baho ng iba
Pag bibigyan kita,Kilala mo ba si magda

Na aking kababata mula pa ng pagkabata,
Kami lagi magkasama Mga bangkang papel sa sapa,
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
at Pag syay dumadaan mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong sya ay nag dalaga
Tuwing aking napuna malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman pinilit kong isara ang bibig at pintig ng puso sa kanya

At sasayawan matapos kaming makapag tapos,
Dahil pinawis ang mukha akoy nag punas ng pulbos
Kahit parang di pantay ay nag mamadaling hinila
Pinakilala nya lalake na taga maynila

Magdalena anong problema, Bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kadena
na sa iyong ama ikaw ang prinsesa anong ng yari sayo

Ito'y kwento ng isang babaeng, Tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete, Sa lugar na ilaw ay patay sinde
Simulan natin ang storya.

Latest OPM Songs | OPM Songs

Hoy - Gloc-9 (Official Music Video)



Music Dideo Production
Director: Paul Basinillo
Asst Director: Marvel Julian
DOP: Tom Redoble
Camera and Drone: Celwyn Max Abasolo
VTR: Nelson Ison
Prod Design: Erik Manalo
Prod House: Sync 11
Exec Producer: Rhea Carpio
Graphics: Jet Mata
Color Grading: Underground Logic
Editor: Kyle & Jackie of Extrim Post

"Hoy!"
Composed and Produced by Aristotle Pollisco
Arranged by Lester Paul M. Vaño
The Ashram Studio
Mixed and Mastered by Angelo Rozul
Published by Star Songs

Copyright 2016 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.



"Hoy" lyrics:

Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang masaya

Tara na
Hoy, pare dito lang meron yan samin
Hoy, halika dito making ka sakin
May nagsuswimming kahit di malalim
Langoy, bumabagyo ulan na merong hangin
Tuwing may nagluluto pwede kang kumain
Galling, pag may umutot walang umaamin
Hoy, sabit sa jeep salubungin ang hangin
Ako’y taga pinas ang tunay na sa amin

(Medyo) mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang masaya

Tara na
Hoy, lahat ay paborito ang balot
Hoy, hindi uso sa amin ang bagot
May mga magnanakaw na palusot
Amoy unggoy lamang ang nakasimangot
Uunatin naming lahat ng gusot
Pwera lamang ang buhok mo na kulot
Ako’y sanay sa basura na gabundok
Ang kasiyahan naming dito ay walang tuldok

(Medyo) mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang Masaya

Tara na
Tumatawa sa baha
Ang tuwa’y walang sahig
kahit marami samin ang isang tuka isang kahig
Kahig ba ang tawag don o kahit pa mabaon
Sa utang ay hindi bumababa ang aming talon
Nang sa gayon ay abutin aming mga pangarap
Parang mga bituin tuloy tuloy pa rin ang alab
Sa langit at kahit mahapit man ang masikip na baro
Hagok, batok at dagok kailanmay di maglalaho
Ang pag-asa sa puso, pawis man ay tumulo
Sagasaan man ng dagat, bundok, dagat man ay gumuho
Simple po lamang naman ang tanging sinasabi ko
Aking mga kababayan ang pinakamatibay sa mundo

(Medyo) mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang Masaya

Tara na
HOY….!

Latest OPM Songs | OPM Songs

Hoy - Gloc-9 (Official Lyric Video)



"Hoy!"
Composed and Produced by Aristotle Pollisco
Arranged by Lester Paul M. Vaño
The Ashram Studio
Mixed and Mastered by Angelo Rozul
Published by Star Songs
Lyric Video by Vincent Lim

Copyright 2016 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.



Latest OPM Songs | OPM Songs

Kasalanan - 6cyclemind ft. Gloc 9 (Official Music Video)



Music video by 6Cyclemind feat. Gloc 9 performing Kasalanan. (C) 2009 Sony Music Entertainment Philippines, Inc.



"Kasalanan" lyrics:

Maari bang makausap ka di na biro ang nararamdaman
Nalungkot sa aking buhay mula nang ikay matauhan

Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)

Maari bang mapigilan pa ang yong di maaming binabalak
Nakalimutan mo na ang pagsasama di na ba kayang mapagbigyan

Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)

Patawad ay isang salitang animoy isang parusa itoy
Sasambitin mo lang kung lahat ay huli na at di na
Maibabalik ang dating pinagsamahan parang putik sa
Mukha na pinahid ng pabalang.

Sa iyo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya
Habang siyay bigay ng bigay at ipinauubaya lahat ng
Makakabuti kahit na pang huling butil ay iaabot sa iyo.

Parang ikay isang inutil na hindi nagiisip wala kang
Nararamdaman subukan mang pumikit wala kang
Natatandaan lagi mong inaalala ang para lamang sa yo
Walang iba kundi ikaw at kailanmay walang kayo

Mapalad ka kung hihingan mo ng tawad ay nagagalit
Ikay sasaktan at sumisigaw ng salitang pumupunit kaysa
Pilit mong kausapin ay di na sasagot akapin
Man ng mahigpit ay di mo na maabot (Patawad)

Di na mauulit
Di na uulitin
Sanay tanggapin mo

Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)

Tayoy nagtalot nagsigawan at halos magtulakan sa
Galit ko akoy lumayas at di ka binalikan
Nilimot ang lahat ng pangako at ang pagmamahal
Sumpaan natin sa isat isa di rin nagtagal

Ang gabi ay aking umaga umagay aking gabi
Akoy gumigising hindi ko kilala ang katabi
Paulit ulit na ganito ngunit ng aking makita larawan
Mo sa loob ng aking lumang pitaka ay nalaman ko

Hinanap ko ang tunay na sarili ko nakita ko nalaman ko
Ito ay nasa piling mo inipon ang lahat ng aking lakas
Ng loob ngunit bakit parang di maganda ang
Aking kutob.

Nilapitan ka at pilit na tinitigan sa mata
Akoy nagdarasal na sabihin mo saking pwede pa
Ikay hindi kumikibo at parang lumalayo tila pagibig
Mo sa kin tuluyan na natuyo

Latest OPM Songs | OPM Songs

Bakit Hindi - Gloc-9 ft. Billy Crawford (Official Music Video)



Gloc-9 feat. Billy Crawford performing ‘Bakit Hindi’, taken from the album, MKNM: Mga Kwento ng Makata.



"Bakit Hindi" lyrics:

[Chorus: Billy Crawford]

Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo ng maigi
Kamustahin kung may imposible..
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili

[Gloc 9:]

Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang
Sa'yong daraanang hagdanang
Mataas, madulas kahit na matumba
Ay hindi mo pababayaan at tuluyang mabahiran ng alinlangan
Bawat hakbang, tawirin mo man dagat,
Sabayan hanging habagat
Baga't apoy
Bawat patak ng dugo'y
Di mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy

Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa
Sa kanila na sa pait ng buhay nawalan na ng panlasa
Walang trabaho, mawalang makain, bubungan na tinangay ng hangin
Humahaba na ang listahan sa tindahan at sakitin pa
Ang anak mo na sanggol, kailangang ipagtanggol
Sa kahirapan na pumupukol, isip mo na buhol-buhol
Ano man ang kahantungan, palagi mong tatandaan
Kapag hindi ka na bumangon, dito ka pa lang magiging talunan
Diinan ang tapak sa lupa, punasan mo ang luha
Kung hindi ka susuko, hinding hindi ka huhupa

[Chorus: Billy Crawford]

Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo ng maigi
Kamustahin kung may imposible..
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili

[Gloc 9:]

(Bakit? Bakit? Bakit?)
Bakit? Bakit gumigising?
Bakit? Bakit dumidilat? (dilat)
Hindi pwedeng tumigil kahit mabigat ang buhat (buhat)
Hindi kumukurap kahit ilang beses ginulat
Hinda nang sumagupa sa lahat ganon kakunat
Ang balat, namalat sa lakas ng sigaw
Iangat, kumagat, lunukin ng hilaw

Higpitan mo lang ang hawak wag na wag kang bibitaw
Ang kalaban mo lang ay walang iba kundi ikaw
Lagi kang magpasalamat na ikaw ay binigyan
Ang isipin mo na lamang ay lamang tiyan din yan
Kahit tuyo na ang halaman sadtyagain mong diligan
Hanggang ikaw ay lumaguna na akala mo Binan
Lahat ng yong naaabot ay pilitin mong higitan
Patilimin ang patalim at maghanda kang gilitan
Kung hindi mo nagawa, wag mo na muling tignan
Marami pang pagkakataon ang nasa yong harapan

[Chorus: Billy Crawford]

Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre (sa libre)
Bakit hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili (yan ang sabihin)

Pagbutihan mo ng maigi ( pagbutihan pa)
Kamustahin kung may imposible.. (oh-oh-oh)
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili (Yan ang sabihin sa sarili )

Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili

Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
(Yan ang sabihin sa sarili)

Latest OPM Songs | OPM Songs

Upuan - Gloc-9 ft. Jeazell Grutas (Music Video)



Music video by Gloc 9 Featuring Jeazell Grutas of Zelle performing Upuan. (C) 2009 Sony Music Entertainment Philippines, Inc.



"Upuan" lyrics:

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh...

Verse 1:

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Verse 2:

Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking ina na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...

Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)

Latest OPM Songs | OPM Songs

Dapat Tama - Gloc-9 ft. Denise Barbacena (Official Music Video)



"Dapat Tama" is GMA Network's advocacy for an informed Eleksyon 2013.



"Dapat Tama" lyrics:

[Chorus: Denise Barbacena]
Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama

[Verse: Gloc-9]
Alam natin ang tama, ‘bat di natin ginagawa?
Paulit-ulit nalang na ito ang bagong simula
Simula ng simula bakit walang natatapos?
Atras abante lagi, pudpod na swelas ng sapatos
Ilang beses nangako, ilang beses napako
‘Bat di natin subukan at tulungan at umako
Bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan
Pag tayo’y nagsama-sama lahat ay malalampasan
May masmaayos na bukas para sating mga anak
Ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak
Na pangalan sa balota wag na tayong magpauto
Na satin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo
Nanggigigil mong itigil ang pag pagsisi sa sutil
Na nasa pwestong di kana kilala kapag siningil
Sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal
Kung di tayo kumbinsido wag na nating ihalal

[Denise Barbacena:]
Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama
(Sa isip at sa salita)
Dapat tama
(Lalong lalo na sa gawa)
Dapat tama…
(Sama-sama nating itama ang mali)
Dapat tama
(Nang ang bayan natin makabangon muli)

Dapat tama
(Sa isip at sa salita)
Dapat tama
(Lalong lalo na sa gawa)
Dapat tama…
(Sama-sama nating itama ang mali)
Dapat tama (Nang ang bayan natin makabangon muli) DAPAT TAMA!

[Gloc-9:]
Itama natin ang gabay, wag na tayong mag reklamo
Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
Balikat na magkaakbay hindi tayo susuko
Malakas na boses sabay-sabay mangako
Itama natin ang gabay, wag na tayong mag reklamo
Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
Balikat na magkaakbay hindi tayo susuko
Malakas na boses sabay-sabay mangako

[Verse: Gloc-9]
Kung walang magpapaloko,
Wala nang mangloloko
Ang mga bontanteng Pilipino ay di mga bobo
Lumiyab pag madilim, ituwid ang tiwali
Di ganon kasimple to, di kailangang magmadali
Ang tiwalang inagaw sa tao ng maneng-mane
Kahit saan natin pilitin at tigna’y maling-mali
Umahon sa kahirapan, at lumangoy sa kumunoy
Kahit ano pang iharang at tumuloy ng tumuloy
Pagdating ng eleksyon ito ang dapat na panata
Isulat ang kung sino ang talagang sa tingin mo’y tama
At sa araw na napakabihira lang dumaan
Dapat sa may katuturan, wag kang mag-aalangan
Na hawakan ang lubid na siyang nagsisilbing tulay
Gisingin natin ang tulog, tuloy tuloy na mag-ingay
Nang malaman ng lahat sumugaw sabay-sabay
Kinabukasan ng bayan ay na sating mga kamay

[Denise Barbacena:]
Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama
(Sa isip at sa salita)
Dapat tama
(Lalong lalo na sa gawa)
Dapat tama…
(Sama-sama nating itama ang mali)
Dapat tama
(Nang ang bayan natin makabangon muli)

Dapat tama
(Sa isip at sa salita)
Dapat tama
(Lalong lalo na sa gawa)
Dapat tama…
(Sama-sama nating itama ang mali)
Dapat tama
(Nang ang bayan natin makabangon muli)
DAPAT TAMA!

Latest OPM Songs | OPM Songs

Tsinelas Sa Putikan - Gloc-9 ft. Marc Abaya (Official Music Video)



Here is Gloc-9 and Marc Abaya's music video for Tsinelas Sa Putikan.



"Tsinelas Sa Putikan" lyrics:

[Marc Abaya:]
Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa'y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap
Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpa agos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa'y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap
Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpa agos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

[Gloc 9:]
Barong-barong, patong-patong
Bulok na bahay, kalong-kalong
Ng lupang ‘di sa amin
Sako-sakong dasal ‘wag palayasin
Halo-halong mga sana na nagka dikit-dikit
Parang kapit mo sa gamit na nagka ilit-ilit
Maniningil na pagkakulit-kulit
Sa kakarampot mong naipon na nagkapunit-punit
Lumang bente, singkwenta, maswerte kung isangdaan
Para kang binenta pagkatapos ay dinaganan
Ng kalang sinilaban, lutuang walang laman
Kaliwa o pakanan, alam mo pa ba ang daan?

Tinatapakan, pinupulaan
Sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang
Maraming nakaharang kahit magsabing paraan
Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan

[Marc Abaya:]
Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa'y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap
Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpa agos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

[Gloc 9:]
Sawang-sawa ka na ba?
Gusto mo nang magmura
Sumigaw, umayaw
Bumitaw kung baga
Tila kumupas na'ng mga guhit-guhit
Sa mga palad ang hiling ay hindi madinig-dinig
Tuyo at lumalatay kapag hinablit ka ng silid
Walang maaaning bunga kahit dilig ka ng dilig
Kumandirit dahil baka may magising nakakahiya
Bagkus humalagpos ang poste ng bahay at gumiba
Kumayod na parang wala kang karapatang humiga
Kumurap kahit na ayaw mong kapalan ang mukha

Tinatapakan, pinupulaan
Sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang
Maraming nakaharang kahit magsabing paraan
Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan

[Marc Abaya:]
Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa'y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap
Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpa agos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa'y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap
Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpa agos sa alon
Sabay nating itataas ang layag


Latest OPM Songs | OPM Songs

Kunwari - Kamikazee & Gloc-9 ft. Biboy Garcia & Manuel Legarda (Official Music Video)



First collaboration attempt of KAMIKAZEE & GLOC 9! Tamang-tama sa mga magaganap na mga bagay ngayong mga darating na buwan!
Maraming salamat sa suporta!

Directed by: Carlo Perlas, Eric Perlas, Boogs San Juan
Produced by: Kamikazee and Tower of Doom
Director of Photography: Mike Babista
Camera Operators: Mike Babista, Mycko David, Ian Marasigan
Editor: Boogs San Juan
Additional Footage: Paolo Ruiz, Panx Tanedo, Carlo Perlas
Audio Mixed & Mastered by: Eric Perlas (Tower of Doom Studios)



"Kunwari" lyrics:

[Speech: Gloc-9]
Mga kababayan, sa darating na halalan
Ako po sana'y mapagbigyan
Ang nais ko lang naman
Kayong lahat ay mapagsilbihan

[Chorus: Kamikazee]
Ako, ako, ako ang piliin nyo
Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko
Totoo titigan pa ko sa mata

Ako, akong piliin nyo
Ako lamang at wala na ngang iba
Ang kasagutan sa lahat
Ng kahirapan nyo kunwari, ng kahirapan nyo kunwari.

[Verse: Gloc-9:]
Panahon na naman
Ng magulong bilangan
Kung hindi ka makatiis
Ang mukha mo ay manipis
Hindi uso ang mahiyain
Kahit busog kumakain
Lahat ay napapailing
Sa tulog-tulugan na gising

Ako nga po pala ay si
Kandidatong may pambili
Ng kotse, bahay at lupa
Kayamanan ang may alam lang ay manghuhula
Gusto ko lang ay makatulong sa mga dukha
At lahat ng mga sinungaling ay mapuksa
Akin na mga perang mapapasakin, sige na!

[Chorus: Kamikazee]
Ako, ako, ako ang piliin nyo
Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko
Totoo titigan pa ko sa mata

Ako, ako ang piliin nyo
Ako lamang at wala na ngang iba
Ang kasagutan sa lahat
Ng kahirapan nyo kunwari.

[Verse: Gloc-9:]
Kapag ako'y inyong binoto
Lahat ay magkakatrabaho
Bawat pamilya may bigas
Mga palad kong nakabukas
Bakit tayo nakukuntento
Pag binigyan ng isang kilo
Na ang dapat nakalaan
Higit pa sa isang kaban

Galing nga po pala yan kay
Kandidato na naglagay
Ng kotse, bahay at lupa
Kayamanan ang may alam lang ay manghuhula
Gusto ko lang ay makatulong sa mga dukha
At lahat ng mga sinungaling ay mapuksa
Akin na mga perang mapapasakin, sige na!

[Chorus: Kamikazee]
Ako, ako, ako ang piliin nyo
Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko
Totoo titigan pa ko sa mata

Ako, ako ang piliin nyo
Ako lamang at wala na ngang iba
Ang kasagutan sa lahat
Ng kahirapan nyo kunwari.

[Gloc-9:]
Wag nyo pong kalilimutan
Ang aking pangalan
At lahat ng aking mga pinagsasasabe
Ay hindi kasinungalingan

[Ad-Lib]

[Gloc-9:]
"Ako, ako, ako ang piliin nyo
Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko
Totoo titigan niyo pa ako sa mata"

[Chorus: Kamikazee]
Ako, ako, ako ang piliin nyo
Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko
Totoo titigan pa ko sa mata

Ako, ako ang piliin nyo
Ako lamang at wala na ngang iba
Ang kasagutan sa lahat
Kahirapan nyo kunwari.

[Gloc-9:]
Mga pangako na katumbas lang ay basura
Na pinapahawakan mabaho na nga paso pa
Sa apoy na kasakiman pinagkalulo ka
Maamoy ng mga dahilan kaya sinusuka
Harap harapan 'to hindi kailangan ng kuta
Na para kang binulag o tinapunan ng muta
Sobrang magkaiba ang minasdan sa nakita
Lalo na ang tiwala na binigay sa kinuha.


Latest OPM Songs | OPM Songs

Kalye - Gloc-9 ft. Yosha (Official Lyric Video)



EP: SUKLI

Star Music Philippines
Song Title: KALYE by Gloc-9 feat. Yosha
Composed by: Aristotle Pollisco (gloc-9)
Producer & Arranger: Karel Honasan
Mixed and Mastered by: Ryan Almario (Flipfunk Studio, Georgia USA)
Vocals, Vocal Arrangement
and Back-up Vocals: Yosha Honasan
Bass: Karel Honasan
Pianos and Synths: Nikko Rivera
Drums: Michael Alba
Additional Effects: Ryan Almario
Lyric Video Edited by: Vincent Lim

Copyright 2016 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.



Latest OPM Songs | OPM Songs

Pareho Tayo - Gloc-9 (Official Music Video)



"Pareho Tayo" by Gloc-9 feat. Allan Mitchell.
Independent release, 2016.

Music Video Team

Director / Editor
J. Pacena II

Director of Photography / Editor / Colorist
Brye Gonzales

Gloc-9 Style Team
Grooming
Momoi Supe
Stylist
David Baky Jr.

Production Team
BMLab2016
Assistant Director and Co-Writer
Donna Formalejo

Production Manager
Arriane Custodio
Assistant Editor
Mervin Karlo Ingat

PA
Irish Faith Romero

Grips
Justin Calimlim
Viennard Concepcion
Kim Sarmiento
Pammi Ventura

Talent Coordinator
Louis Labay

Art Department
Production Designers
Chrishelaine Quilatan
Clarence Patangan

Production Design Team
Chelle Bebita
Pammi Ventura
Cee Lopez
Angelica Suarez
Prince Benedicto Romano
Louise Labay



"Pareho Tayo" lyrics:

Aalalayan
Tuwing walang makakapitan
Di hahayaan, hindi ka kakaligtaan
Nasa kamay mo, bakas ng pawis at trabaho
Iyong lakas at kahinaan
Alam mo yan
Pareho tayo

Mahal na bigas
Utang sa tindahan
Mahabang listahan na di mo pa nababayaran
Tapos pila pa sa bus, tricycle at jeep
O kaya naman sa tren, laging nakakainip
Upang magkaroon ng buhay na marangal
At mahawakan na ang kasagutan ng mga dasal
Na makatapos sa eskwela, hanggang kolehiyo
Makapagpagamot ng di prebilehiyo
Hindi hiningi, hindi binigay
Dahil dinadaan ko'y ang kanyang nilakbay
Sa kahirapan ng buhay, lagi mong kaakbay
Tungo sa kaunlaran, tatawid sa tulay
Sabay nating iangat, kahit gano kabigat
Ang pagkatao'y di nasusukat sa kulay ng balat
Dahil dinig ko ang lahat ng inyong hinaing
Hawakan mo aking kamay dahil ako'y ikaw rin

Aalalayan
Tuwing walang makakapitan
Di hahayaan, hindi ka kakaligtaan
Nasa kamay mo, bakas ng pawis at trabaho
Iyong lakas at kahinaan
Alam mo yan
Pareho tayo

Kapag nagtulong-tulong, lahat magagawa
Hanggang pinapangarap mo'y mapapala
Kahit gano kalayo, ating aabutin
Ako'y laging kasama mo dahil alam ko'y ikaw rin

Mainit
Sumingit sa buhay na di makulay
Kung laging paulit-ulit, di na masarap ang gulay
Matabang, hanggang saan pa kayang kailangang tiisin
At lahat ay itaya kasi laki sa hirap
Kay sumikap
Mga pangarap
Hinagilap
Karununga'y kanyang kinalap
Pagkakataon ay sinagap
Ang tunay na pagtulong at mabuting hangad
ay mula sa tao na hindi takot mabilad
Ang edukasyon ay para sa lahat
Makapagpagamot kahit na ika'y salat
Sabay nating iangat, kahit gano kabigat
Ang pagkatao'y di nasusukat sa kulay ng balat
Naririnig ko ang lahat ng inyong hinaing
Hawakan mo aking kamay dahil ako'y ikaw rin

Aalalayan
Tuwing walang makakapitan
Di hahayaan, hindi ka kakaligtaan
Nasa kamay mo, bakas ng pawis at trabaho
Iyong lakas at kahinaan
Alam mo yan
Pareho tayo
[x2]

Pareho tayo

Pareho tayo

Latest OPM Songs | OPM Songs

GLOC-9: "Pareho Tayo" Teaser



Gloc-9 opens 2016 with an independent release entitled "Pareho Tayo," where he speaks of the state of the nation and our constant need for compassion and empathy.

The song features Allan Mitchell of Daddy's Home.



Latest OPM Songs | OPM Songs