Pinoy Radio Here:

OPM Archive

Balang Araw - Valley of Chrome (Official Music Video)

Valley of Chrome - Balang Araw
Official Music Video

Produced by Tower of Doom
Executive Producers: Eric Perlas, Carlo Perlas
Director: Carlo Perlas, Boogs San Juan, Eric Perlas
Production Manager: Jeula Agbayani
Editors: Boogs San Juan, Clarence Fajardo, Aeron Matawaran
Director of Photography: JC Valencia
Camera Operator: Anna Manlapas - Valencia
Chef: Voltaire Del Rosario
Location Manager: Marvin Bragas



"Balang Araw" lyrics:

Desperadong tunay kung tawagin nila
meron pa bang naiwang gana at debosyon
Na ituloy lahat ng pinagpaguran mo
Sabi mo masaya ka dito bakit mo iiwanang bigla
Ang sisira ba ng lahat ang siya ring lumikha
papayag ka ba? mapunta lahat sa wala

Ito'y para sa mga nangangarap
pero di natutupad
nawawalan ng pag asa
Kaibigan kapit ka lang
Darating din ang umaga
Ang umagang hanap mo


Di mo kasalanan kung hindi nagtugma
Ang lahat ng iyong ninanais ay may panahong takda
Pagdating ng araw na iyon, pagdurusa mo'y mawawala
Huwag na huwag sumuko, hawak mo ang kapalaran
Puro latay at pasa, ang lungkot ay iyong labanan
Mga tala'y luluhod, sa iyong paanan

Ang iyong pag angat, kanilang kamatayan
Ang sumpa mong bumangon, ibalik sa kamalayan
Di ka nila maaping muli at aapakan
Para sa mga nangangarap, luluhod ang mga tala


Latest OPM Songs | OPM Songs

Balang Araw - Julian Trono (Official Music Video)



Official music video for "Balang Araw" by Julian Trono.

This video is directed by Miggy Tanchanco and released on the Viva Records label.



"Balang Araw" lyrics:

Balang Araw
Di madali, di madali kung lahat lahat ay iisipin.
Ngunit sa huli, ngunit sa huli ikaw lamang ang gustong makapiling.
Maraming bagay sating nangyari na hindi inaasahan.
Kay hirap tanggapin at kayanin, harapin ang katotohanan.
Walang pagpapanggap ginagawang lahat, upang madama ang puso kong tapat.
Di ko man masabi sa ngayon pero pangako ko.

Maghihintay, kahit hanggang kailan
Maghihintay, kahit na masaktan
At kailanman, nandito lang, walang pakialam ang puso’y sayo lang

Balang araw (sisimulan muli)
Balang araw (lahat ng ito ay dadali)
Balang araw. Balang araw tayo rin sa huli

Nababaliw sa bawat araw na di tayo pwedeng magkasama
At gustuhin ko man di tayong dalawa
Nais ko na malaman mo na biyaya ka sa akin
Minsan lang akong magkaganito at hindi na palalampasin

Walang pagpapanggap ginagawang lahat, upang madama ang puso kong tapat.
Di ko man masabi sa ngayon pero pangako ko.

Maghihintay, kahit hanggang kailan
Maghihintay, kahit na masaktan
At kailanman, nandito lang, walang pakialam ang puso’y sayo lang

Balang araw kahit hindi pa sa ngayon
Kakayanin natin pagdating ng panahon.
Ang dalangin ko panghawakan mo ang pag-ibig ko
At sa bawat araw ipaglalaban ka
Hanggang umayos ang lahat
Ako’y maghihintay

Maghihintay, kahit hanggang kailan
Maghihintay, kahit na masaktan
At kailanman, nandito lang, walang pakialam ang puso’y sayo lang

Balang Araw (sisimulan muli)
Balang araw (lahat ng ito ay dadali)
Balang araw. balang araw tayo rin sa huli

Balang araw tayong dalawa makikita mo na ang tunay mong halaga

Balang Araw (sisimulan muli)
Balang araw (lahat ng ito ay dadali)
Balang araw. balang araw tayo rin sa huli

Balang araw tayong dalawa makikita mo na ang tunay mong halaga

Latest OPM Songs | OPM Songs