Eraser Please - Fusion Juice (Music Video)

Posted by OPM Songs on Wednesday, May 31, 2017 | 10:39:00 AM



Eraser Please
by: Fusion Juice
Composer: Jeremy Sarmiento
Arranger: Cacho Ferrero

Lead Vocals: Janice Uy- Donato
Keys: Edwin Alconera
Bass: Paolo Sisi
Drums: Raffy Donato
Guitar: Josel Jimenez
Second Keys: Cacho Ferrero
Recorded at Muzicskool Recording Studio
Video by: On D Spot Productions



"Eraser Please" lyrics:

Saan ka pupunta?
Kumain ka na ba?
Kumusta ka na ba?
Nakauwi na ba?
O ang daming tanong
Feeling concern citizen pa
Minsa’y naiinis pagkat ako’y
Nasasakal na

Kumustang tulog mo?
How about panaginip mo?
Huwag kang mahihiya
Kasama ba ako?
Ayan lumalabas na naman
Ang kakulitan mo
Naiirita ngunit minsa’y
Natutuwa naman ako

Di lubos maisip
Ito’y may mapupuntahan pala
Pagkat nung ‘sang araw na
Di mo na kumusta
Bigla akong nataranta
Ewan, ewan, ewan ko ba
Ayaw na ayaw kong may mag-alala
Ano bang nangyayari ngayon
Ginawa mo sa sakin
Di na di na di na di nabubura

Mga ilang araw na
Di ka nakikita
Wala manlang pasabi
Ni “ha” ni “ho”, wala ng balita
Kalokohan lang ba
O pang-aasar kaya
Pag di ka lumabas sa iyong lungga
Tayo’y magpasensyahan na

Di lubos maisip
Ito’y may mapupuntahan pala
Pagkat nung ‘sang araw na
Di mo na kumusta
Bigla akong nataranta
Ewan, ewan, ewan ko ba
Ayaw na ayaw kong may mag-alala
Ano bang nangyayari ngayon
Ginawa mo sa sakin
Di na di na di na di…

Ano ba talaga?
May nararamdaman ba?
Maari mo bang sabihin sa akin
Ako’y umaasa
Eh kung wala naman
Maari bang tigil-tigilan na

Di lubos maisip
Ito’y may mapupuntahan pala
Pagkat nung ‘sang araw na
Di mo na kumusta
Bigla akong nataranta
Ewan, ewan, ewan ko ba
Ayaw na ayaw kong may mag-alala
Ano bang nangyayari ngayon
Ginawa mo sa sakin
Di na di na di na di nabubura

Kumusta ka na ba?
Oh ilang araw na
Bigla kang sumulpot
No trace of pangamba
Oh boy pasensya na
Di ko na kaya
Kung maari lang ngayon
Ako’y tigil-tigilan na

Latest OPM Songs | OPM Songs
Share this song :

0 comments:

Post a Comment

Tips Tricks And Tutorials
 
Support : Original Pinoy Lyrics | OPM Artists | OPM Tambayan
Copyright © August 2015 - 2017. OPM Songs - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger