Pinoy Radio Here:

OPM Archive

Buhay Abroad - 1h & Pektuz (Official Music Video)



Real story of a Overseas Filipino Worker.



"Buhay Abroad" lyrics:

1h 1st Verse:
Ako si Haro hindi ko tunay na pangalan
Kilala din bilang 1h dun sa may lansangan
Tatlo lang daw ang pupwede ko na patutunguhan
Hospital , libingan o kaya dun sa may kulungan

Kaya naisip kong mag punta ng Gitnang silangan
Upang balikan ang bansang aking sinilangan
Kasi masyadong Har na daw ang aking pangalan
Iniisip ko na lang din ang kanilang kinabukasan

Iniwan aking pamilya at ako'y nag sakripisyo
Nakipag sapalaran sa init ng disyerto
Kahit mababa ang sahod ako na ay nakontento
Madalas pa nga nasisigawan pa ni amo

Minsan gustong ilabas ang sungay at mag tarantado
Kaso biglang napaisip hindi ko pla bansa to
Balik sa Trabaho at balewalain ang mga to
Eto ang Buhay abroad tunay na kwento

Chorus:
Eto ang buhay ko Eto ang buhay abroad
Eto ang buhay namin laging pagod
Eto ang buhay ko sa ibang bansa nag lingkod
Eto ang buhay namin eto ang buhay namin

Pektuz 1st Verse:
Eto ang buhay na hinahangad ng lahat na mapunta ng ibang bansa at makapag hanap ng trabaho
Para buhay ng pamilya nya kahit papano ay mabago.Pero pano?
Kung hirap at pasakit ang kanyang pinapasan
Suntok batok tadyak ang nararanasan.

Ang malupit pa dyan ang perang pinag hirapan
Hindi makukaha sa tuwing katapusan
At madalas pa dyan ang ka aating "Kababayan"
Hindi nag hahapunan upang matustusan lang ang pangangailangan.

At kaylan malulunasan ang kahirapan sa sariling "Bayan"
Kung mayron gahaman na katulad nyo
Kung meron buwaya sa gobyerno
Di na aasenso mga "pilipino" habang buhay ng alipin ng mga "arabo"!!!

Pektuz 2nd Verse:
Sobrang hirap ang malayo sa yong pamilya
Kailangan mong kumayod para lang magka pera
At sa kanila ipadala para sa pang matrikula
at sa ibang pangangailangan sa kanilang skwela

1h 2nd Verse:
Pero lahat kinakaya basta makita na masaya
ibibigay ko sa inyo ang buhay na marangya
Kahit parang madaya kasi malayo sa aking pamilya
Lumipas ang dalawang taon bago ulit kayo makita

Pektuz 3rd Verse:
Sa akin ayos lang yon kahit sa utang mabaon
Kakayanin kong lahat basta't tayo ay maka ahon
sa hirap ng buhay dito sa aboad
Hindi mo kakayanin kung mahina ang iyong loob

1h 3rd Verse:
Minsan pumapasok ng puyat at kulang sa tulog
Masama ang pakiramdam pero tuloy padin sa kayod
Walang oras mag pahinga para kumita ng dirhamo
Para mapalit sa piso ganyan kami sa Disyerto

Pektuz 4th Verse:
Nakipagsapalaran kanya kanyang diskarte
Kanya kanyang paraan kung wala ka sa hulog dyan ka na lang
tatapakan na lang
ng sariling kababayan at pag tatawanan

1h 4th Verse:
Bakit sila ganyan? Imbis na magtulungan
Ang ginagawa ng kababayan ay mag siraan
Gustong umangat ng isa pero sa maduming paraan
Buhay Aborad eto ang nakasanayang kalakaran

Latest OPM Songs | OPM Songs

If you want to receive the latest update of OPM Songs, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment