Balewala - Loonie (Official Music Video)

Posted by OPM Songs on Thursday, February 16, 2017 | 3:40:00 PM



Loonie's first single off the album "I Am Normal"

Artifice Records in Cooperation with Clips Films and CreatureShop Prosthetics SFX Co.

Cast: Marlon Loonie Peroramas, Aklas, Mae Dizon, Kiko Matos, China Roces, Vic Romano, Basty Batistis, Poko Ditablan, Marsi Maarfi Dimitrov, Klumcee, Richmond Fampolme and Luis Gabriel Cerda

Executive Producer: Artifice Records
Director: Willan Rivera
Associate Producer: CreatureShop Prosthetics SFX Co.
Visual Effects Producer and Supervisor: Elpidio Herrera Jr.
Director of Photography: Mar Peralta
1st AC: Russel Rivera
Art Director: Edge Solomon Burce
Light Director: Marck Louie Gumayan
Production Designer: William P. Rivera
Head Editor and Colorist: Willan Rivera
Offline Editor: Wendell Rivera
Aerial Drones Cameraman: Romulo Afurong
Drones Department Manager: Zander Servando
Prosthetics Sculpture Designers: Richard Carvajal and Jaime del Rosario
Prosthetics Assistant: Teejay Velasco
Gaffer: Emmanuel Sanchez
Post Production: Clips Films
Clips Films Producer and Location Manager: Lilia Estrella
Clips Films Social Media Manager and Producer: Kali Alaia
Clips Film Production Coordinator/Manager: Wenchesska Rivera
Wardrobe: Rosewida Sanchez Rivera
Production Assistant: Ryan Arago
Behind The Scene Photographer: Ken Yamaguchi
Researcher: Muhammad Iessa Picardal
Talent Manager: Leviriza E. Cerda
Layout/Poster Designer: Ronaldo B. Reyes
Artifice Production Staff: Chick Balazuela and Mike Ramos
Shooting Location: Binangonan Rizal Philippines

Written By: M. Peroramas, L. VaƱo
Produced by: Klumcee
Guest female vocals: Mae of Acoustic Playback



"Balewala" lyrics:

Verse I:

Sa mundong mapanghusga mapangmata at mapanuri
Dapat hindi ka basta basta nagpapaapekto sa mga paninirang puri
Lalong lalo na kung galing lamang sa mga mahihinang uri
Sabi sabi sakin "bathala" matapang ka pala
Pusong leon kaya dibdib mo ay walang daga
Alam mo bang mga pangarap mo ay pansamantala lamang
Samantala ang kapalaran ay sa mga tala nakatala ?
Kaya pala parang "tamad" ng mag aral walang kadala dala
Walang pang baon
Pero kahapon pa ako handa
Maglakad sa gubat kahit na takot sa palaka
Inakyat ang kabundukan at maghapong nag-gala
Inabutan ng dilim muntikan nakong mawala
Sa sarili ko pag gapang ko wala kong makapa
Nasa dulo na, pala ng bangin wala ng kawala
Tumalon na lang kaya ako kakayanin ko kaya ?
Kaya ako ay napadasal sabay salto padapa
Bahala na si batman yan ang saktong kataga
Tsaka na ko gagawa ng mga pakpak ko pababa!

Chorus:

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo
Lumaban
Nakipaglaro ng apoy at
Patintero kay kamatayan
Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
Nakakapunit man ang hanging sasalubungin
Ay yayakapin ko!

Refrain I:

Andami talagang nais manira ng pangalan
Ngunit ang karamihan at takot tumira ng harapan
Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban
Ngingitian ko na lamang at..
"Yayakapin ko"
Kahit ga'no, kapait ng naranasan
Masakit na nakaraang hindi ko matakasan
Walang awang tadhana ay tatawanan
Kahit gano kasama ng kapalaran
"Yayakapin ko"

Verse II:

Sabi sakin ni Satanas:
"Mayabang ka pala"
Tuturuan kita kung paano magpakumbaba
Di kana maiisasalba ng mga kanta mong gawa
Pano mo to tutubusin ang kaluluwang matagal nang nakasangla ?
Binaba ang dangal nagpakahangal para lang ikaw ay mahalin ng madla
Biniyayaan ng katanyagan kaso lang halata na hindi ka handa
Kaluluwa kapalit kasikatan yan ang usapang nakatakda
Sa kontratang to na may pangalan mo na nakalagda
Teka lang wag ka pakasigurado di mo pa ako pag aari
Dahil ang titulo ng kaluluwa koy nasakin
At ang kasunduan natin ay puro lamang usapang hangin
Kasi autograph ang nilagda ko sa kontrata
At handa akong tahakin ang mahabang landas pabalik
Balewala ang pagod at sakit basta pag uwi yakap at halik
Ng aking asawang malupit at ang dalawang anak kong makulit
Para sa kanilang kapakanan gagawin ko lahat anuman kapalit!

Chorus:

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo
"Lumaban"
Nakipaglaro ng apoy at
Patintero kay kamatayan
Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
Nakakapunit man ang hanging sasalubungin
Ay yayakapin ko!
Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa!
Anu man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko!
Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa!
Sugatan man ng malalim tagos sa damdamin
Ay tila balewala

Verse III:

Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait
"Tila balewala"
Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano pa kasakit
"Tila balewala"
Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik
"Tila balewala"
Sa bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit
Dinuro-duro ako ng mundo kaya nginaratan ko pagbalik
Tinanggap ang walang kwentang mga hamon
Para bilhin si "loonie" binenta ko si "marlon"
Matalo man ngayon bukas ang pwersa koy babangon
Pangako mas malakas pa ng triple kesa sa kahapon
At kung putapete ang kadebate pare di bale nalang
Walang pakielam miski hirangin pinakamayabang
At kahit maraming kalaban na balak sirain ang aking pangalan ay balewala
Kasi wala naman akong pekeng imaheng inaalagaan kaya

Chorus:

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo
"Lumaban"
Nakipaglaro ng apoy at
Patintero kay kamatayan
Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
Nakakapunit man ang hanging sasalubungin
Ay yayakapin ko!
Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa!
Anu man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko!
Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa!
Sugatan man ng malalim tagos sa damdamin
Ay tila balewala

Refrain II:

Andami talagang nais manira ng pangalan
Ngunit ang karamihan ay takot tumira ng harapan
Pag hindi ko na malaman kung kaibigan ko kalaban
Ngingitian ko na lamang
"Balewala"
Kahit gaano kapait ng naranasan
Masakit na nakaraang hindi ko matakasan
Walang awang tadhana ay tatawanan
Kahit ga'no kasama ng kapalaran ay, ay, ay, ay, ay,
Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait
"Balewala"
Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano kasakit
"Balewala"
Aakyatin ko ang pinakaa tuktok kahit gaano pa katarik
"Balewala"
Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit
Dinuro-duro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik

Latest OPM Songs | OPM Songs
Share this song :

0 comments:

Post a Comment

Tips Tricks And Tutorials
 
Support : Original Pinoy Lyrics | OPM Artists | OPM Tambayan
Copyright © August 2015 - 2017. OPM Songs - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger