Pinoy Radio Here:

OPM Archive

Litrato Ng Pamilya - Lazed Nap't



Litrato ng Pamilya - Lazed Nap't | LIVE



"Litrato ng Pamilya" lyrics:

May sumpa tayong dalawa
Na tanging pipiliin ay ang isa't-isa
Pagkat hindi pakiramdam
Ang pagbabatayan ng ating walang hanggan

Tayo ay magkikita pagdating sa Europa
Bibilhan ng pasalubong ang aking Tiya Lina
Tayo ay aasta na tila nga mga bida
Sa isang sumikat na lumang koreanovela

Ilan lang iyan sa mga pinaplano
Siguro nga'y hindi na ganoon kabago
Ang mahalaga lang ay tayo'y siguro
Sa ating mga gusto

May mga hindi mapagkakasunduan
Lahat naman ay maaaring pag-usapan
Pagkat wala na tayong balak talikuran
Ang pangako na walang maiiwang... mag-isa
Walang maiiwang mag-isa

May kasunduan tayong ginawa
Na sa tuwing may makalilimot ang isa'y magpapaalala
Pagkat hindi lang basta magkatipan
Ikaw lang din ang aking matalik na kaibigan

Magmumula sa 'yong isip ang magiging tahanan
Ang mga bata'y doon lalaki nang nagmamahalan
At sisiguraduhin na magkakaroon tayo
Ng isang buong pamilya sa isang litrato

Ilan lang iyan sa mga pinaplano
Siguro nga'y hindi na ganoon kabago
Ang mahalaga lang ay tayo'y siguro
Sa ating mga gusto

May mga hindi mapagkakasunduan
Lahat naman ay maaaring pag-usapan
Pagkat wala na tayong balak talikuran
Ang pangako na walang maiiwang... mag-isa
Walang maiiwang mag-isa

Paminsan-minsan ay mababawasan ang saya
Mayroong hihiyaw at mayroong mapapaluha
Sa atin ay magdaraan 'di mabilang na bagyo
Pero lahat ng iyan ay aalis hindi..
Hindi katulad ko

Ilan lang iyan sa mga pinaplano
Siguro nga'y hindi na ganoon kabago
Ang mahalaga lang ay tayo'y siguro
Sa ating mga gusto

May mga hindi mapagkakasunduan
Lahat naman ay maaaring pag-usapan
Pagkat wala na tayong balak talikuran
Ang pangako na walang maiiwang... mag-isa
Walang maiiwang mag-isa

Latest OPM Songs | OPM Songs

If you want to receive the latest update of OPM Songs, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment